Thursday, July 17, 2014

SUIT AND TIE

May mga bagay po talaga sa atin ang binigay para iparanas lang dahil mawawala rin sila sa atin. Sabi nga nila, there’s no constant thing in this world aside from change.

Ako si Vim, parati po akong tinutukso ng mga kaibigan ko dahil ako na lang po samin ang wala pang love life.  Malapit na po grumaduate ang edad ko sa kalendaryo kaya masigasig sila sa pagiging kupido para makahanap ng magmamahal sa akin.

Nats: tenten tenen (Wedding March) oh my God! Ikakasal na si Rose!

Vim: Oo nga e! nakakatuwa sila tingnan!

Nats: oo nga! E Ikaw kelan ka ba ikakasal?

Vim: alam mo naman na wala akong plano para dyan e..

Nats: e kelan ka ba mag pa-plano? Pag malapit na mag sara yang…

Vim: ohh teka teka??? Ano na naman yan?! Tumigil ka nga Nats!

Glen: hi Nats!

Nats: Uy Glen!!!!

Glen: Long time no see ahh!

Nats: Uy Glen si Vim nga pala Kaibigan ko!

Vim: (mahina boses) Natalia! Sinasabi ko tss..

Nats: shhh! Glen maganda sya diba?

Glen: ahh Oo naman!

Nats: wala pang Boyfriend yan ha!

Vim: Nats! Ano ba?!

Nats: teka Vim! Ahh Glen wala ka namang Girlfriend di ba?

Glen: ahh eh. Wala pa rin e.

Nats: ayiiee! Bagay sila!

Vim: Nats onti na lang… namumuro kana!

Nats: ayiiee! Kunwari pa! teka, alam nyo bagay talaga kayo?!

Vim: nako tigil-tigilan mo nga ako!

Nats: okay. Sige maiwanan ko nga muna kayo dyan!

Glen: ahh hi Vim! Glen nga pala.

Vim: ah hi I’m Vim.

(moment of silence)

Glen: ah. Hahaha… medyo awkward no.

Vim: ha? Sorry ha?!

Glen: no you don’t have to say sorry! Ahh pasensya talaga.

Vim: thank you.

Glen: pano mo nga pala naging kaibigan si Nats?

Vim: ahh pano ba? Ahh… kapitbahay naming sya nung grade school ako tas 
naging classmates na kami nun hanggang sa high school tas pare din kami ng 
school sa college.

Glen: ahh I see matagal na pala yung pinagsamahan nyo.

Vim: hmp. Haha! Oo nga e. buti nga natagalan ko yang kapilyahan nya e

Glen: Oo nga may pagkapasaway talaga yan.

Vim: teka ikaw pano mob a sya nakilala?

Glen: ahh nakilala ko sya sa review center. Currently kasi akong nagrereview 
for nursing board exam.

Vim: Nurse ka?

Glen: ahh.. Oo bakit?

Vim: vet naman ako!

Glen: talaga? Mahilig din ako mag-alaga ng hayop!


Gwapo, Maginoo at masayang kausap si Glen. Sa lahat nga po ng lalaking nakilala ko e iba sya, siguro dahil pareho kami ng interes. Pakiramdam ko kasi sa mga lalaking nakikilala ko e katawan ko lang ang gusto. Hindi naman sa binubuhat ko ang upuan ko pero kasi naman ilang korona na rin ang naiuwe ko galling sa iba’t-ibang pageant tsaka dati na rin akong Flyer ng Pep Squad naming.

Nats: Ang taray sa Macau ang Honeymoon nila rose!

Vim: talaga?

Nats: Oo!  Nga! Tingnan mo nag post na sila ng pictures oh! Nakarating na 
sila!

Vim: Ang ganda ng Hotel nila ha!

Nats: Ito tingnan mo ang sweet nila!

Vim: oo nga may pakiss-kiss pic pa!

Nats: Ang saya talaga ikasal!

Vim: aba ewan ko. Hindi ko alam!

Nats: kung hindi mo alam hayaan mo lang, kasi tingin ko… “Malapit ka na 
din”! hahaha ikaw na susunod nyan!

Vim: ikaw ayaw mo bang ikasal ulit?

Nats: ay nako Vim! Oo na nga! ako na laging kinakasal!

Vim: Alam mo Nats gusto ko kasi isa lang. kung hindi isa, wala na lang!

Nats: teka e pano na daw ba?

Vim: eto nga nagyaya sya ng date. Ilang gabi na rin kasi syang nangkukulit.

Nats: nako Vim, sabi kapag may kumatok dapat pinagbubuksan!

Vim: e pano na?

Nats: edi patuluyin na yan!

(Phone rings)

Nats: oh aya na sagutin mo na!

Vim: sige-sige wait lang!

Nats: i-loud speaker mo ha!

Vim: okay-okay!

Vim: hello?

Glen: hello Vim!

Vim: ahh andito ako kina Nats!

Glen: ahh sige, teka ahh Vim pwede ka ba Tonight?

Vim: ahh, ehh..

Nats: sabihin oo!

Vim: ahh eh.. Hindi e. i-che-check up ko yung mga aso dun sa center.

Glen: ahh Okay sige-sige!

Vim: ahh sige-sige! Sorry ha! Salamat

Glen: ahh salamat din! I hi mo na lang ako kay Nats!

Vim: oh sure! Hi daw Nats!

Nats: Hi din Glen!

Vim: sige-sige salamat!

Glen: salamat! Bye!



Madalas nga pong ganyan sa akin si Glen. Tatawag, mangangamusta, aayain 
ako na lumabas, kumain.  Hindi lang naman sya ang gumawa nya marami na pero sumusuko din sila. Nagulat na lang ako kasi isang araw…

Vim: hay nako, kawawa naman ang mga alaga naming. Mapakain ko na nga. Ay teka asa labas pala yung pagkain ng mga rabit!
… …

Vim: oh Glen? Anong ginagawa mo dito?

Glen: ahh eh.. eto dinalhan kita ng makakain.

Vim: ahh sige sakto yan! Sabayan natin mag meryenda tong mga alaga ko.

Glen: haha! Sige ba!

Vim: teka lang ha kinuha ko lang yung pagkain nila. Tara pasok ka!

… …

Glen: Marami ka pala talagang alaga maski ditto sa bahay nyo.

Vim: ahh it runs in my blood na e. passion ko talaga ang pag-aalaga sa 
kanila.

Glen: oo nga nakita ko nga kung pano mo sila alagaan.

Vim: oo todo alaga talaga ako sa kanila kaya minsan napapabayaan ko na ang 
sarili ko.

Glen: bakit di mo ko hayaang mag-alaga sayo?

(moment of silence)

Vim: (Burst into laughter) hahahaha!!! Loko ka talaga! Haha

Glen: haha! Ayan at least napaniti na kita!

Vim: haha! Palabiro ka talaga! Paabot nga ng tubig, nauuhaw na ata sila e.

Glen: oh eto! Nakakatuwa naman ang mga alaga mo!

Vim: lahat ng hayop nakakatuwa!

Glen: talaga? Pano pagbinigyan kita ng crocodile matutuwa ka?

Vim: syempre! Bigay mo yun e! aalagaan ko. Hayop naman yun e.

Glen: haha! E pano kung baka?

Vim: mas matutuwa ako!

Glen: talaga? Bakit naman?

Vim: e gusto ko kasing magtayo ng Farm e!

Glen: ahh sige pag-iipunan natin yan!




Swak na swak lang po talaga kami sa isa’t-isa. Lahat po ng gusto ko e nasa kanya na. Ilang lingo pa po ang tumagal at pinayagan ko na syang manligaw sa akin ng opisyal. Nakakakilig po sya. Hindi ko maiintindihan kasi maski sa maliit na detalye ng panunuyo nya e kinikilig ako. Maski sa simpleng pagbukas nya ng pinto para sa akin e humahaba ang buhok ko. At kahit na alam ko na busy sya gawa nga na nagrereview sa nalalapit nyang exam para maging registered nurse e nagagawa pa rin nya akong dalawin at suyuin.

Nats: oy Vim!

Vim: oh bakit Nats?

Nats: napapansin ko napapadalas na yang pag-aayos mo ahh?

Vim: ha? Araw-araw naman akong maganda ah?!

Nats: ay nako! Hindi ka dating ganyan. Wag mo ko lokohin!

Vim: ahh, may date kami ni Glen e.

Nats: talaga?

Vim: oo!

Nats: teka, kamusta na ba ang lagay nyo?

Vim: ahh e. ewan ko may sasabihin daw sya sa akin e.

Nats: nako ayan na yan! Alam na!

Vim: ang alin? Anong ayan na?


Nats: edi magpo-propose na!


Vim: ano? Eh hindi ko pa nga sya sinasagot e!

Nats: e kung hindi e ano?

Vim: e hindi ko alam e.

Nats: hala baka nagsawa na sa kakaligaw sa iyo?

Vim: hala bakit matagal na ba yung 3 months?

Nats: teka mars ha! Pero sa panahon ngayon, Matagal na yan!

Vim: talaga ba?

Nats: Mukahang nag enjoy ka ata sa pagpapaligaw!

Vim: ahh Medyo? Bakit mali ba?

Nats: ay nako pag naumay yan sa kakaligaw baka yan masulot at maagaw! Bahala ka ikaw din ang luhaan pag nagka ganun! Kakanta ka dyan ng Almost! Ay di mo pala yun alam mo. Ang alam mo what does the fox say?! Haha! Biro lang!



Hindi ko po talaga alam kung ano ang dahilan kung bakit kami mag-uusap. Natakot ako sa sinabi ni Nats sa akin. Ayoko pong mawala sa akin si Glen. Sya lang po ang kailangan ko. Sa kanya ko lang naramdaman ito. Sya lang po ang Minahal ko ng ganito.

Glen: Oh Vim?! Napa-aga ka ata?

Vim: ahh.. Glen..

Glen: ahh.. Vim. May sasabihin sana ako sa iyo e.

Vim: Glen.


Glen: Vim, sorry pero…

Vim: Wag Glen! Sasagutin na kita  konting araw na lang!

Glen: talaga?

Vim: oo! Sa araw  ng release ng result ng Licensure exam mo!

Glen: talaga?

Vim: oo! J

Glen: pwede ba kitang mayakap?

Vim: oo naman!

Glen: I love you!

Vim: Salamat Glen!

Glen: pwede na rin ba ang kiss?

Vim: After ng Result!

Glen: sige! Sa noo na lang muna!

Vim: okay!


Hay. Isang malaking relief po yun sa puso ko at nawala na yung bagabag. Ito na nga po yun. Niyayakap ko na ang tadhana ko kasama si Glen. Handa na akong lumagay sa tahimik at sa byernes kasabay ng result maganda o hindi may magpapaligaya sa kanya at yun ay ang matamis kong Oo.


Nats: Uy, tama ba? Nakita ko sa Fb yung post mo ha! Sasagutin mo na si 
Glen?

Vim: Nats tama naman to diba? Mahal ko na sya e. ayaw ko syang mawala sa 
mga mata ko. Gusto ko maging masaya sya at alam ko magiging masaya sya 
kung sabay kaming tatanda. Sabay naming bubuoin at aabuti ang mga 
pangarap namin.

Nats: (clap, clap, clap) napapa iling na lang ako sa’yo friend! Ang galling mo! 
You are now a grown up woman!

Vim: nako naman,

Nats: can you see? Effective ang pang kukupido namin sa inyo?! Ngayon 
nabitag kana sa patibong ng Pag-ibig!

Vim: haha! If that is it?! Then let it be! Masarap mahulog!

Nats: oy teka pano nga pala yung pagsagot mo sa kanya?

Vim: ahh, hindi ko na iche-check yung result. Pag ka gabi hintayin ko na lang 
sya para i-surprise ako!

Nats: nako, nagplano kana! Dapat impromptu! Para everything will fall into its 
places properly!

Vim: don’t worry ako na bahala!



 Araw na po ng labas ng result ng Exam ni Glen. Kinakabahan po talaga ako. 
Kagabi pa nung huli kaming nagka usap. Sabi ko maghihintay na lang ako ng 
kwento mo! Nag ready na po ako nun. Ni ready ko na yung room ko. Nilagyan 
ko ng mga bulaklak tsaka syempre pinalitan ko na rin yung ilaw para mas 
romantic. Everything is set up. Ang Valentine ko na lang ang kulang Perfect 
na!

Vim: ang tagal naman ni Glen anong orass na ah?

Vim: tss. ano ba yan hindi na ako mapakali. Mag aalis dyis na! alas otso pa 
ang out nun ha?

Vim: sige-sige, onti na lang.

(text message tone)

Vim: hi Vim! Andito ako ngayon sa Hospital pintahan mo ako na saksak ako e.

Vim: what? Lokong Glen na to? Ano na kayang nangyari sa kanya. Sige-sige 
magmamadali na ako!



Pagkatapos ko pong mabasa yung text message nya e dali-dali nap o akong 
umalis papunta sa Ospital para malaman yung kalagayan nya doon.



Vim: excuse me nurse! Ahh may patient po ba kayo na Glen Ramos?

Nurse: Ahh wait lang po mam ha.

Vim: okay lang.

Nurse: Ahh mam halika po ihatid ko po kayo sa kanya.

Magkahalong emosyon po ang nararamdaman ko noon, kaya Dahan-dahan ko 
pong hinawi ang kurtinang nakadivided sa room nya. Nabigla na lang ako at 
kasabay ng pagtulo ng luha ko ay bumagsak din ang puso ko.

Nurse: ahh mam, dead on arrival na po sya nung dumating dito.

Vim: ha?! Pano naman yun nangyari e samantalang ka text ko lang sya 
kanina! Sya pa nga nagtext sa akin e!

Nurse: ahh hindi po sya yun mam. Ako po yung nagtext sa inyo kanina. Nakita 
ko po sa phone nya kayo po yung huling ka text nya kaya kayo na po agad 
yung tinext ko baka sakaling malapit po kayo sa kanya o kamag-anak nyo po 
sya.

Vim: Hindi to pwedeng mangyari! Sasagutin ko na sya. Handa ko ng ibigay sa 
kanya ang buhay ko! Hindi pwede! Hindi!bkt ngyon pa? bkt.. gawin nyo lahat 
hnd to totoo!

Nurse\; sori po kinalulungkot ko.. wla npo tlga kming mgagawa

Vim\: hnd mo naiintndhan! Wla kang alam!

Nurse; naiintndhan ko po kayo.. alam ko pong msakit pero huminahon po 
muna kyo pls.. pasensya npo tlga

Vim; hnde.. hnd totoo pnagnip lng lhat ng to.. hnde..



Hindi ko kinaya ang nangyari po sa akin. Nabuo ko na po sa isip ko yung buhay ko kasama sya. Ikakasal kami sa farm namin. Magkaka anak, tatanda at sabay na mamamatay. Labis po ang aking panghihinayang kasi dapat sinagot ko na sya agad. Sana hindi ko na pinatagal. Saying kasi huli na. wala na sya.

Nats: Ahh Vim ahh, gusto mo ba pumasok sa kwarto nya?

Vim: huh?

Natalie: may ipapakita sana ako sa iyo e.

Vim: ahh sige ano ba yun?

Nats: Tingnan mo na lang. halika pasok tayo.



Nagulat po ako sa pagpasok sa kwarto nya dahil sa mga nakita ko. Isang 
garapon ng pera na may nakasulat na para sa baka. Totoo nga yung sinabi nya na mag-iipon sya para sa baka na ireregalo nya para sa akin.

Vim: (iiyak) bakit? Bakit ngayon pa kasi! Mahal ko na sya. Sana, sana hindi ko na sya pinakawalan e.

Nats: Vim, tama na…

Vim: hindi Nats. Ang tagal ko tong hinintay e. sabi ko sayo isa lang ang 
mammahalin ko o kaya wag na lang. ayokong masaktan! Bakit ganito? 
Masama ba akong tao para kunin ng dyos yung taong mahal na mahal ko?

Nats: Vim sadyang may mga tao talaga sa buhay natin na dadaan para mag-
iwan ng aral sa buhay. Kinasangkapan lang ng dyos si Glen Vim para ituro 
sayo ang..

Vim: ang alin? Sige sabihin mo sa akin? Para patikimin ako at iparanas sa akin 
ang magmahal?

Nats: Vim, kaya mo yan.


Sa huling pagkakataon ay nakita ko ulit si Glen. Dj kara kung paano ko sya 
nakita sa unang beses ay ganun din ang huli kong pagsulyap sa kanya. Ang Amerikana na suot nya noong magkakilala kami sa kasal ay yung suot nya din sa loob ng kanyang kabaong.

Apat na taon na po ang nakalipas pero hindi pa rin ako nagmamahal muli. Lumampas na edad ko sa kalendaryo. At siguro nga e hindi na talaga ako mag aasawa. Naranasan ko na ang magmahal, naranasan ko na rin ang masaktan. Kahit masakit, hinding-hindi ko ipagpapalit ang alaala ko kasama si Glen.
Ngayon May Farm na ako. At yung pera na inipon ni Glen para sa Baka ay ibinili ko na nga ng Baka at isinunod ko sa pangalan nya kasama ang kapareha nyang baka na si Vim. Kahit sa mga Baka na lang, magpapatuloy ang Kwento ng aming pag-iibigan.

No comments:

Post a Comment