Friday, December 27, 2013

Ang Simbolismo sa Liriko at Bidyo…







“Kapag ikaw ay umaangat, sila ay magiging pabigat.
 Sila ang mga asal talangka na manghihila pababa, dahil kapag ang puno ay hitik sa bunga doon sila nagkakagana na pumukol  ng puna
(Brown man Revival, 2013)
.”


Kasabay ng pagsikat ng pangalan ni Lady Gaga sa Industriya ng Musika, unti-unti ring nagsulputan ang mga teorya ng paninira sa kanya.

Dahil sa kakaibang atake at istilo sa kanyang musika at bidyo, hindi natin mai-aalis ang  mag-isip at mag-taka.





Una siyang sumikat sa kanta niyang “Just dance” na nanguna sa “The Hot 100” ng Billboard chart noong 2008. 



“What’s going on the floor?
I love this record baby, but I can’t see straight anymore.
Keep it cool what’s the name of this club?
I can’t remember but it’s alright, alright.”
                          - Lady Gaga



Kung inyong pakikinggan ito ng maiigi at iintindihin, ito ay may mensaheng maging manhid at mawalan ng paki alam sa paligid. (Lady Gaga, The Illuminati, 2013)

Nilalaman din ng kanyang mga kanta ang kanyang kagustuhan sa kasikatan at handa niyang  gawin ang lahat para dito. Halimbawa, sa kanyang kanta  na “Bad Romance”. Dito hindi lang basta ang mga panatiko niya ang kanyang kausap, kundi ang buong industriya ng musika. 

Sa kanta, sinabi nya. “ I want your love  and your lover’s revenge”. Ibig sabihin, gusto nyang makuha ang atensyon ng industriya ng musika hanggang sa umabot sa punto na kainggitan at kagalitan siya ng kapwa niya mang-aawit. (LA The Gaga, 2013)

Umpisa pa lang ito sa mahabang listahan ng mga puna sa kanya. Nariyan ang teorya na isa syang manika lamang ng grupong “Illuminati”. 


Sa logo niya, makikita ang isang babaeng pugot ang ulo na mukhang manikin na may marka ng kidlat sa katawan. Nangangahulugan na siya ay walang pag-iisip o kawalan ng malay. Samantala ang kidlat naman ay simbolo ng pagkakaroon ng sapat ng enerhiya para magbigay ng lakas at buhay. (Lady Gaga, The Illuminati, 2013)


Sa bawat Bidyo ni  Lady Gaga hindi nawawala ang pagtatakip niya sa kanyang kaliwang mata. Ito ay hindi lamang isang “fashion statement” o pakulo. Ito ang pinaka kilalang simbolo ng Illuminati ang “All-Seeing Eye” na nag-ugat sa “Egyptian God” na si “Horus” na  representasyon ng muling pagkabuhay sa kabilang buhay. (Lady Gaga, The Illuminati, 2013)


Lahat ng kanta at Bidyo ni Lady Gaga ay may kakaibang elemento na nagbigay sa kanya ng kakaibang disposisyon sa larangan ng musika. Marahil iilan lamang iyan sa mahabang listahan ng kanyang mga kritiko. 

Ngunit hindi ba lahat naman ng umaangat hinihila pababa at minsan hindi lang natitigil sa baba at natutulad pa kay Lady Gaga na umabot pa hanggang empyerno ang paghila.

Minsan wala naman sa kanilang musika at bidyo ang mga kademonyohan, madalas galing ito sa mga mapanira at mapanghusga nating pag-iisip.

Minsan wala lang naman sa kanila, pero ikaw dahil maraming alam ka tapos mapanghusga ka pa kaya ang bunga pinupukol mo ng sobra. Tandaan natin na ang larangan ni lady Gaga sa musika ay usapin pa rin naman ng pera. Negosyo lang walang personalan. Kaya naman kung ako ay inyong paang tatanongin ito na lang ang aking sasabihin:







Sources:


Symbology of Applause Lady Gaga
http://vigilantcitizen.com/vc-community/occult-symbology-applause-lady-gaga/
December 27, 2013
Lady Gaga the Illuminati puppet
http://vigilantcitizen.com/musicbusiness/lady-gaga-the-illuminati-puppet/
December  27, 2013
Lady Gaga-The brain
http://www.youtube.com/watch?v=JDCgMaw8Rbs
December 27, 2013
The truth seeker
http://www.thetruthseeker.co.uk/?p=21643
December 27, 2013







Wednesday, December 18, 2013

GAGA: ARTISTIC INSANITY




On G.O.A.T, a Government Owned Alien Territory in space, a birth of magnificent and magical proportion took place. But the birth was not finite. It was infinite. As the wombs numbered and the mitosis of the future began, it was perceived that this infamous moment in life is not temporal, it is eternal. And thus began the beginning of the new race, a race within the race of humanity, a race which bears no prejudice, no judgment but boundless freedom. But on the same day, as the eternal mother hovered in the multiverse, another more terrifying birth took place, the birth of evil. And as she herself split into two. Rotating in agony between two ultimate forces, the pendulum of choice began its dance. It seems easy you imagine to gravitate instantly and unwaveringly towards good. But she wondered, “how can I protect something so perfect without evil?”

-Manifesto of Mother Monster(Born this way, Lady Gaga, 2011)

2008, Gumuhit sa industriya ng musika si Stefani Joanne Angelina Germanotta o mas kilala bilang  “Lady Gaga”. Una nyang inilabas ang kanyang kantang “Just Dance” na nanguna sa listahan ng “Billboard Hot 100” sa Amerika. Dala ang kanyang bonggang talento  sa pagkanta, pagsayaw at kakaibang ideya at konsepto ng kanyang mga Music Video, ay nagawa nyang makuha ang atensyon ng madla at tinagurian din syang “Mother Monster”.

Kasabay ng kanyang pagsikat ay unti-unti ring sumibol ang mga teorya na naglalapit sa kanyang pangalan sa pagiging satanista. Sa kanta nyang Alejandro, ang salitang “babe” ay may panghahaliling salita na “child” o anak ang pangalang Alejandro ay "God" (father) o ama, ang Fernando naman ay "Jesus", ang Roberto naman ay "Holy Spirit" o Espiritu santo at kapag ito ay isina ayos gamit ang mga salitang panghalili ito ay magiging:

"Don't call my name, don;t call my name, Alejandro (GOD).
I'm not your babe (CHILD),
I'm not your babe (CHILD), Fernando (JESUS)Don't call my name, Don't call my name, Roberto (HOLY SPIRIT)Alejandro, Alejandro (GOD), just let me go." (Alejandro  Conspiracy Theory, 2012)

 Sinundan din ito ng iba pa nyang kanta naglaman din ng masamang imahe. Sa kanta nyang “Born this way”, binigyang diin nya na ang bawat ay isa ay may halaga kahit anong kulay, lahi, uri, at kasarian meron ka na ikinabahala naman ng iilan. Isa pang halimbawa ang kanta niyang “Judas”. Dahil sa sakit na naidulot ng pakikipaghiwalayan sa kanya ng kanyang kasintahan naisulat nya ang kantang ito. Dito ihinalintulad nya ang kanyang kasintahan kay hudas.(Judas-Lady Gaga, 2011)

Ang musika ay isang uri ng sining na ekspresyon at hingahan ng lahat para gumaan ang bigat na nararamdaman. May mga bagay na hindi naman natin kailangan intindihin bagkus ito ay dapat tanggapin. Ang katotohan ay hindi kasing tibay ng pagbabago na tatagal sa ating mundo. Kung ang katotohanan na pinanghahawakan ng mga kontra sa kanya ay nagsasabing ang kanyang kanta ay may temang satanista, marahil mali sila. Sa “Alejandro” nangyaring naging malakas ang dating ng bidyo nito dahil sa ilang simbolo na ginamit, pero hindi naman tuwiran na sinabi ang pang palit o pang halili sa bawat pangalang binanggit kaya Malabo ito. Isang malinaw na kalokohan lamang at paninira sa kanya.

Hindi ba natin pwede isipin at tanggapin na sadyang iba lang ang landas o pagkakakilalang gustong matamo ni lady Gaga sa kanyang istilo. Ika Ko nga,”Artistic Insanity” lamang ito hindi Satanismo. Sining pa ang pundasyon ng kanyang Musika at hindi naman pamumulitika sa usaping pang relihiyon.
kung para sa ilang kritiko, ito ay katotohanan dahil hindi lang naman iisa o dalawa ang kanyang kantang naglaman ng mga ganitong mensahe, marahil sadyang ito lang kasi ang istilo na kinagat at sinuportahan ng madla dahil sa huli ito ay usaping negosyo pa rin naman, kung paano kikita at hindi kung paano nya gagawing satanista ang lahat ng panatiko nya.


sources:
Born This way, Lady Gaga, 2011




Thursday, December 5, 2013

Isang pagsubok ang sa akin iniatas, gamit ang sukat ng titik ang karamdaman ng lipuna’y dapat malutas.  Ito ang pangako sa aking bayan, pangako sa aking pinagmulan.
Mula sa angkan ni Encyclopedia, narito ang sugo ni tiyang Wikipedia.  Ako si Bekipedia.  Ang bonggang-bonggang Encyclopedia. Subukan mung bulatlatin wag mulang kakaririn baka maingganyo ka at humanay sa amin!
Sa unang pagkakataon ako’y nabigyan ng hamon, ang sumulat pagkagising, kahit may bahid ng pink na laway pa sa pisngi at natuyong dyamante sa mga mata gora na akis sa para sumulat. Kaya naritiey na akey para nagpipiga ng kaalamern na aking naipon sa loob  longlalu na panahon. Pakiramdam kez ako’y  kandidette ngayern ng Miss Universe, pero write-up edition. Kalerki  titik lang ang pangtapat ng Bonggang manunulat para mangibabaw sa lahat. Pero bakit ganitis? Ang kadiliman ay di ko matiis, wala akong masayla paligid. Hindi ko mabuksan ang aking mga mata. Hindi ko mabuksan ang aking labi. Walng tunog na nagagawa ang aking bibig. Tanging ang mga pangahoy lang ng pagdursa ang aking naririnig. Hindi ko maigalaw ang aking katawan. Ang nararamdaman ko’y may mahigpit sa akin na nakayap sana boylet kaso hindi. Isang makapal na itim na lubid ang nakatali sa akin. Lubos ang higpit na tila ayaw akong pakawalan o pagalawin. Hindi sapat ang aking pwersa para mapatid ito sa aking pag-alpas. Nakatatakot, nakahihindik, nakakikilabot ang sigaw na aking nadidinig.
Ilang sandal pa sa aking pag-pupumiglas, unti-unting lumuwang ang pakatali sa aking mga mata at uti-unti ko ring na aninag ang aking kalagayan. Hindi lang ako ang naririto, marami kami ngunit ang iba’y pumanaw na. mahigit sa limampu ang bilang nila. Nasa gitna kami ng masukal na talahiban. Babae, lalaki, bata at matanda,lahat  tila papel na pinilas at dito ay itinago at iniwan. Ang mga pluma’t mikropono namiy walang magawa sa kalaban na rebolber ang ihinanda.
Sa pagkakataong ito hindi ko na makaya ang malagim na pangyayari na aking nasaksihan. Unti-unting bumalik sa aking alaala at kaisipan ang kaguluhang ayaw ko ng balikan.

Muli kong binuksan ang aking mga mata, aking natanaw ang mundo ay maganda. Kaya bilang sugo ng kagandahan, ito ang aking sandata sa laban. Aking isususlat ang magagandang bagay dahil ang buhay ay ibinigay para gamitin at maranasan ang sarap nito. Ako ay nilikha para isulat ang tama at maging boses ng mga api, dukha at maralita. Ako si bekipedia hindi si darna ha! Medyo limitado ang powers ng inyong lola. Kaya sige diretso muna ako sa labada. Unahin ko muna ang aming pagtutuos!