Wednesday, February 19, 2014

#LAKWATSA






Sa loob ng mabilis, matao at makulay na lungsod ng Maynila matatagpuan ang makasaysayang “Intramuros”.
Ang intramuros ay dating isang maliit na syudad na pinapaligiran ng matataas ng pader bilang proteksyon sa isang epidemyang kumalat sa Maynila.

Sa aking lakwatsa sa loob ng Intramuros, marami akong nasaksihan. Mayroong magaganda at mayroon ding hindi.




Ang Ilustrados ay isang Kapihan sa loob ng Intramuros. Maganda at kaaya-aya ang interyo’t disenyo dito. Isa sa kanilang mga inihahain ay “Strawberry Chocolate Tart”. Ang Chocolate nito ay may kaunting kurot ng “mint flavor” na nagbibigay ng kaka-ibang lasa na nakatatakam.


Mayroon din silang ibang matatamis na pag-kaing inihahain. Nariyan ang iba’t-ibang flavor ng “cake”, tinapay at syempre mga pinoy na pagkain gaya ng turon.



Sa aking pagagalugad din sa Intramuros na puntahan ko rin ang isang tindahan ng mga antigong kagamitan ang “Silahis Arts and Artifacts”. Sa una iba ang aking naisip sa pangalan ng tindahan dahil sa makabagong henerasyon kahulugan ng “Silahis”, ngunit ayon sa mga tao dito, ang tunay na kahulugan ng “Silahis” ay bukang liway-way. Kaya ang nasabi ko na lang , “ahh! I see”.








Ang Intramuros ay isang malaking “halo-halo”, kumpletos rekados, Masarap at patok sa lahat! Dito ang kasaysayan ay sinasabayan ang pagbabago at pag-unlad at pag-unlad at pag-angat!









Iba pang larawan na nakuha ko sa Intramuros































Estatwa ni Eulogio "Amang" Rodriguez