Thursday, July 17, 2014

SUIT AND TIE

May mga bagay po talaga sa atin ang binigay para iparanas lang dahil mawawala rin sila sa atin. Sabi nga nila, there’s no constant thing in this world aside from change.

Ako si Vim, parati po akong tinutukso ng mga kaibigan ko dahil ako na lang po samin ang wala pang love life.  Malapit na po grumaduate ang edad ko sa kalendaryo kaya masigasig sila sa pagiging kupido para makahanap ng magmamahal sa akin.

Nats: tenten tenen (Wedding March) oh my God! Ikakasal na si Rose!

Vim: Oo nga e! nakakatuwa sila tingnan!

Nats: oo nga! E Ikaw kelan ka ba ikakasal?

Vim: alam mo naman na wala akong plano para dyan e..

Nats: e kelan ka ba mag pa-plano? Pag malapit na mag sara yang…

Vim: ohh teka teka??? Ano na naman yan?! Tumigil ka nga Nats!

Glen: hi Nats!

Nats: Uy Glen!!!!

Glen: Long time no see ahh!

Nats: Uy Glen si Vim nga pala Kaibigan ko!

Vim: (mahina boses) Natalia! Sinasabi ko tss..

Nats: shhh! Glen maganda sya diba?

Glen: ahh Oo naman!

Nats: wala pang Boyfriend yan ha!

Vim: Nats! Ano ba?!

Nats: teka Vim! Ahh Glen wala ka namang Girlfriend di ba?

Glen: ahh eh. Wala pa rin e.

Nats: ayiiee! Bagay sila!

Vim: Nats onti na lang… namumuro kana!

Nats: ayiiee! Kunwari pa! teka, alam nyo bagay talaga kayo?!

Vim: nako tigil-tigilan mo nga ako!

Nats: okay. Sige maiwanan ko nga muna kayo dyan!

Glen: ahh hi Vim! Glen nga pala.

Vim: ah hi I’m Vim.

(moment of silence)

Glen: ah. Hahaha… medyo awkward no.

Vim: ha? Sorry ha?!

Glen: no you don’t have to say sorry! Ahh pasensya talaga.

Vim: thank you.

Glen: pano mo nga pala naging kaibigan si Nats?

Vim: ahh pano ba? Ahh… kapitbahay naming sya nung grade school ako tas 
naging classmates na kami nun hanggang sa high school tas pare din kami ng 
school sa college.

Glen: ahh I see matagal na pala yung pinagsamahan nyo.

Vim: hmp. Haha! Oo nga e. buti nga natagalan ko yang kapilyahan nya e

Glen: Oo nga may pagkapasaway talaga yan.

Vim: teka ikaw pano mob a sya nakilala?

Glen: ahh nakilala ko sya sa review center. Currently kasi akong nagrereview 
for nursing board exam.

Vim: Nurse ka?

Glen: ahh.. Oo bakit?

Vim: vet naman ako!

Glen: talaga? Mahilig din ako mag-alaga ng hayop!


Gwapo, Maginoo at masayang kausap si Glen. Sa lahat nga po ng lalaking nakilala ko e iba sya, siguro dahil pareho kami ng interes. Pakiramdam ko kasi sa mga lalaking nakikilala ko e katawan ko lang ang gusto. Hindi naman sa binubuhat ko ang upuan ko pero kasi naman ilang korona na rin ang naiuwe ko galling sa iba’t-ibang pageant tsaka dati na rin akong Flyer ng Pep Squad naming.

Nats: Ang taray sa Macau ang Honeymoon nila rose!

Vim: talaga?

Nats: Oo!  Nga! Tingnan mo nag post na sila ng pictures oh! Nakarating na 
sila!

Vim: Ang ganda ng Hotel nila ha!

Nats: Ito tingnan mo ang sweet nila!

Vim: oo nga may pakiss-kiss pic pa!

Nats: Ang saya talaga ikasal!

Vim: aba ewan ko. Hindi ko alam!

Nats: kung hindi mo alam hayaan mo lang, kasi tingin ko… “Malapit ka na 
din”! hahaha ikaw na susunod nyan!

Vim: ikaw ayaw mo bang ikasal ulit?

Nats: ay nako Vim! Oo na nga! ako na laging kinakasal!

Vim: Alam mo Nats gusto ko kasi isa lang. kung hindi isa, wala na lang!

Nats: teka e pano na daw ba?

Vim: eto nga nagyaya sya ng date. Ilang gabi na rin kasi syang nangkukulit.

Nats: nako Vim, sabi kapag may kumatok dapat pinagbubuksan!

Vim: e pano na?

Nats: edi patuluyin na yan!

(Phone rings)

Nats: oh aya na sagutin mo na!

Vim: sige-sige wait lang!

Nats: i-loud speaker mo ha!

Vim: okay-okay!

Vim: hello?

Glen: hello Vim!

Vim: ahh andito ako kina Nats!

Glen: ahh sige, teka ahh Vim pwede ka ba Tonight?

Vim: ahh, ehh..

Nats: sabihin oo!

Vim: ahh eh.. Hindi e. i-che-check up ko yung mga aso dun sa center.

Glen: ahh Okay sige-sige!

Vim: ahh sige-sige! Sorry ha! Salamat

Glen: ahh salamat din! I hi mo na lang ako kay Nats!

Vim: oh sure! Hi daw Nats!

Nats: Hi din Glen!

Vim: sige-sige salamat!

Glen: salamat! Bye!



Madalas nga pong ganyan sa akin si Glen. Tatawag, mangangamusta, aayain 
ako na lumabas, kumain.  Hindi lang naman sya ang gumawa nya marami na pero sumusuko din sila. Nagulat na lang ako kasi isang araw…

Vim: hay nako, kawawa naman ang mga alaga naming. Mapakain ko na nga. Ay teka asa labas pala yung pagkain ng mga rabit!
… …

Vim: oh Glen? Anong ginagawa mo dito?

Glen: ahh eh.. eto dinalhan kita ng makakain.

Vim: ahh sige sakto yan! Sabayan natin mag meryenda tong mga alaga ko.

Glen: haha! Sige ba!

Vim: teka lang ha kinuha ko lang yung pagkain nila. Tara pasok ka!

… …

Glen: Marami ka pala talagang alaga maski ditto sa bahay nyo.

Vim: ahh it runs in my blood na e. passion ko talaga ang pag-aalaga sa 
kanila.

Glen: oo nga nakita ko nga kung pano mo sila alagaan.

Vim: oo todo alaga talaga ako sa kanila kaya minsan napapabayaan ko na ang 
sarili ko.

Glen: bakit di mo ko hayaang mag-alaga sayo?

(moment of silence)

Vim: (Burst into laughter) hahahaha!!! Loko ka talaga! Haha

Glen: haha! Ayan at least napaniti na kita!

Vim: haha! Palabiro ka talaga! Paabot nga ng tubig, nauuhaw na ata sila e.

Glen: oh eto! Nakakatuwa naman ang mga alaga mo!

Vim: lahat ng hayop nakakatuwa!

Glen: talaga? Pano pagbinigyan kita ng crocodile matutuwa ka?

Vim: syempre! Bigay mo yun e! aalagaan ko. Hayop naman yun e.

Glen: haha! E pano kung baka?

Vim: mas matutuwa ako!

Glen: talaga? Bakit naman?

Vim: e gusto ko kasing magtayo ng Farm e!

Glen: ahh sige pag-iipunan natin yan!




Swak na swak lang po talaga kami sa isa’t-isa. Lahat po ng gusto ko e nasa kanya na. Ilang lingo pa po ang tumagal at pinayagan ko na syang manligaw sa akin ng opisyal. Nakakakilig po sya. Hindi ko maiintindihan kasi maski sa maliit na detalye ng panunuyo nya e kinikilig ako. Maski sa simpleng pagbukas nya ng pinto para sa akin e humahaba ang buhok ko. At kahit na alam ko na busy sya gawa nga na nagrereview sa nalalapit nyang exam para maging registered nurse e nagagawa pa rin nya akong dalawin at suyuin.

Nats: oy Vim!

Vim: oh bakit Nats?

Nats: napapansin ko napapadalas na yang pag-aayos mo ahh?

Vim: ha? Araw-araw naman akong maganda ah?!

Nats: ay nako! Hindi ka dating ganyan. Wag mo ko lokohin!

Vim: ahh, may date kami ni Glen e.

Nats: talaga?

Vim: oo!

Nats: teka, kamusta na ba ang lagay nyo?

Vim: ahh e. ewan ko may sasabihin daw sya sa akin e.

Nats: nako ayan na yan! Alam na!

Vim: ang alin? Anong ayan na?


Nats: edi magpo-propose na!


Vim: ano? Eh hindi ko pa nga sya sinasagot e!

Nats: e kung hindi e ano?

Vim: e hindi ko alam e.

Nats: hala baka nagsawa na sa kakaligaw sa iyo?

Vim: hala bakit matagal na ba yung 3 months?

Nats: teka mars ha! Pero sa panahon ngayon, Matagal na yan!

Vim: talaga ba?

Nats: Mukahang nag enjoy ka ata sa pagpapaligaw!

Vim: ahh Medyo? Bakit mali ba?

Nats: ay nako pag naumay yan sa kakaligaw baka yan masulot at maagaw! Bahala ka ikaw din ang luhaan pag nagka ganun! Kakanta ka dyan ng Almost! Ay di mo pala yun alam mo. Ang alam mo what does the fox say?! Haha! Biro lang!



Hindi ko po talaga alam kung ano ang dahilan kung bakit kami mag-uusap. Natakot ako sa sinabi ni Nats sa akin. Ayoko pong mawala sa akin si Glen. Sya lang po ang kailangan ko. Sa kanya ko lang naramdaman ito. Sya lang po ang Minahal ko ng ganito.

Glen: Oh Vim?! Napa-aga ka ata?

Vim: ahh.. Glen..

Glen: ahh.. Vim. May sasabihin sana ako sa iyo e.

Vim: Glen.


Glen: Vim, sorry pero…

Vim: Wag Glen! Sasagutin na kita  konting araw na lang!

Glen: talaga?

Vim: oo! Sa araw  ng release ng result ng Licensure exam mo!

Glen: talaga?

Vim: oo! J

Glen: pwede ba kitang mayakap?

Vim: oo naman!

Glen: I love you!

Vim: Salamat Glen!

Glen: pwede na rin ba ang kiss?

Vim: After ng Result!

Glen: sige! Sa noo na lang muna!

Vim: okay!


Hay. Isang malaking relief po yun sa puso ko at nawala na yung bagabag. Ito na nga po yun. Niyayakap ko na ang tadhana ko kasama si Glen. Handa na akong lumagay sa tahimik at sa byernes kasabay ng result maganda o hindi may magpapaligaya sa kanya at yun ay ang matamis kong Oo.


Nats: Uy, tama ba? Nakita ko sa Fb yung post mo ha! Sasagutin mo na si 
Glen?

Vim: Nats tama naman to diba? Mahal ko na sya e. ayaw ko syang mawala sa 
mga mata ko. Gusto ko maging masaya sya at alam ko magiging masaya sya 
kung sabay kaming tatanda. Sabay naming bubuoin at aabuti ang mga 
pangarap namin.

Nats: (clap, clap, clap) napapa iling na lang ako sa’yo friend! Ang galling mo! 
You are now a grown up woman!

Vim: nako naman,

Nats: can you see? Effective ang pang kukupido namin sa inyo?! Ngayon 
nabitag kana sa patibong ng Pag-ibig!

Vim: haha! If that is it?! Then let it be! Masarap mahulog!

Nats: oy teka pano nga pala yung pagsagot mo sa kanya?

Vim: ahh, hindi ko na iche-check yung result. Pag ka gabi hintayin ko na lang 
sya para i-surprise ako!

Nats: nako, nagplano kana! Dapat impromptu! Para everything will fall into its 
places properly!

Vim: don’t worry ako na bahala!



 Araw na po ng labas ng result ng Exam ni Glen. Kinakabahan po talaga ako. 
Kagabi pa nung huli kaming nagka usap. Sabi ko maghihintay na lang ako ng 
kwento mo! Nag ready na po ako nun. Ni ready ko na yung room ko. Nilagyan 
ko ng mga bulaklak tsaka syempre pinalitan ko na rin yung ilaw para mas 
romantic. Everything is set up. Ang Valentine ko na lang ang kulang Perfect 
na!

Vim: ang tagal naman ni Glen anong orass na ah?

Vim: tss. ano ba yan hindi na ako mapakali. Mag aalis dyis na! alas otso pa 
ang out nun ha?

Vim: sige-sige, onti na lang.

(text message tone)

Vim: hi Vim! Andito ako ngayon sa Hospital pintahan mo ako na saksak ako e.

Vim: what? Lokong Glen na to? Ano na kayang nangyari sa kanya. Sige-sige 
magmamadali na ako!



Pagkatapos ko pong mabasa yung text message nya e dali-dali nap o akong 
umalis papunta sa Ospital para malaman yung kalagayan nya doon.



Vim: excuse me nurse! Ahh may patient po ba kayo na Glen Ramos?

Nurse: Ahh wait lang po mam ha.

Vim: okay lang.

Nurse: Ahh mam halika po ihatid ko po kayo sa kanya.

Magkahalong emosyon po ang nararamdaman ko noon, kaya Dahan-dahan ko 
pong hinawi ang kurtinang nakadivided sa room nya. Nabigla na lang ako at 
kasabay ng pagtulo ng luha ko ay bumagsak din ang puso ko.

Nurse: ahh mam, dead on arrival na po sya nung dumating dito.

Vim: ha?! Pano naman yun nangyari e samantalang ka text ko lang sya 
kanina! Sya pa nga nagtext sa akin e!

Nurse: ahh hindi po sya yun mam. Ako po yung nagtext sa inyo kanina. Nakita 
ko po sa phone nya kayo po yung huling ka text nya kaya kayo na po agad 
yung tinext ko baka sakaling malapit po kayo sa kanya o kamag-anak nyo po 
sya.

Vim: Hindi to pwedeng mangyari! Sasagutin ko na sya. Handa ko ng ibigay sa 
kanya ang buhay ko! Hindi pwede! Hindi!bkt ngyon pa? bkt.. gawin nyo lahat 
hnd to totoo!

Nurse\; sori po kinalulungkot ko.. wla npo tlga kming mgagawa

Vim\: hnd mo naiintndhan! Wla kang alam!

Nurse; naiintndhan ko po kayo.. alam ko pong msakit pero huminahon po 
muna kyo pls.. pasensya npo tlga

Vim; hnde.. hnd totoo pnagnip lng lhat ng to.. hnde..



Hindi ko kinaya ang nangyari po sa akin. Nabuo ko na po sa isip ko yung buhay ko kasama sya. Ikakasal kami sa farm namin. Magkaka anak, tatanda at sabay na mamamatay. Labis po ang aking panghihinayang kasi dapat sinagot ko na sya agad. Sana hindi ko na pinatagal. Saying kasi huli na. wala na sya.

Nats: Ahh Vim ahh, gusto mo ba pumasok sa kwarto nya?

Vim: huh?

Natalie: may ipapakita sana ako sa iyo e.

Vim: ahh sige ano ba yun?

Nats: Tingnan mo na lang. halika pasok tayo.



Nagulat po ako sa pagpasok sa kwarto nya dahil sa mga nakita ko. Isang 
garapon ng pera na may nakasulat na para sa baka. Totoo nga yung sinabi nya na mag-iipon sya para sa baka na ireregalo nya para sa akin.

Vim: (iiyak) bakit? Bakit ngayon pa kasi! Mahal ko na sya. Sana, sana hindi ko na sya pinakawalan e.

Nats: Vim, tama na…

Vim: hindi Nats. Ang tagal ko tong hinintay e. sabi ko sayo isa lang ang 
mammahalin ko o kaya wag na lang. ayokong masaktan! Bakit ganito? 
Masama ba akong tao para kunin ng dyos yung taong mahal na mahal ko?

Nats: Vim sadyang may mga tao talaga sa buhay natin na dadaan para mag-
iwan ng aral sa buhay. Kinasangkapan lang ng dyos si Glen Vim para ituro 
sayo ang..

Vim: ang alin? Sige sabihin mo sa akin? Para patikimin ako at iparanas sa akin 
ang magmahal?

Nats: Vim, kaya mo yan.


Sa huling pagkakataon ay nakita ko ulit si Glen. Dj kara kung paano ko sya 
nakita sa unang beses ay ganun din ang huli kong pagsulyap sa kanya. Ang Amerikana na suot nya noong magkakilala kami sa kasal ay yung suot nya din sa loob ng kanyang kabaong.

Apat na taon na po ang nakalipas pero hindi pa rin ako nagmamahal muli. Lumampas na edad ko sa kalendaryo. At siguro nga e hindi na talaga ako mag aasawa. Naranasan ko na ang magmahal, naranasan ko na rin ang masaktan. Kahit masakit, hinding-hindi ko ipagpapalit ang alaala ko kasama si Glen.
Ngayon May Farm na ako. At yung pera na inipon ni Glen para sa Baka ay ibinili ko na nga ng Baka at isinunod ko sa pangalan nya kasama ang kapareha nyang baka na si Vim. Kahit sa mga Baka na lang, magpapatuloy ang Kwento ng aming pag-iibigan.

Tuesday, July 15, 2014

LOL zoned


Lahat naman po tayo siguro ay panatiko ng mga birong nakapagpapatawa sa atin na nakakapag alis ng lungkot at nagdudulot ng dalisay ng kasiyahan.

Ako po si Francis, palabiro, masayahin, aktibo sa eskwela at may pagka-hopeless romantic pag dating sa pag-ibig. Nais ko po sana kasing ibahagi sa inyo ang siguro pinaka hindi ko malilimutang biro sa akin.

Taon-taon ay nagkakaroon sa aming paaralan ng isang leadership-training seminar para sa mga student leaders para turuan kaming maging mas mabuting pinuno ng kanya-kanya naming organization.

Arvin: Francis! Sasama ka ba sa Leadership Training?

Francis: oo sasama ako. Mukha kasing walang sasama sa Org ko, wala busy 
ang lahat e. ikaw sasama ka ba?

Arvin: ahh oo. Sasama ako!

Francis: mukhang nag-enjoy ka ata from last year?

Arvin: hahaha!! Pupunta rin ata kasi yung mga kasama natin last year, so 
malay mo reunion na yun! Ahahahaha

Francis: oo nga mukhang magiging masaya nga yun kung magkataon!

Arvin: gawin lang din natin ang dati?!

Fraancis: oo magpakasawa at mag pasaway sa Organizers!

Arvin &Francis: ahahahaha

Arvin: Sige kitakits na lang tayo! Hahaha

Francis: sige-sige! Text-text na lang ha!

Arvin: sure update na lang kita!

Francis: sige salamat!

Dati ko na rin pong nakasama si Arvin sa Seminar na iyon. Mechanical Engineering ang kurso nya habang broadcasting naman ang akin. Pareho kaming may mabigat na tungkulin sa aming organization kaya ito naiatas sa amin. Sa text at online din lang naman kami active, sa personal ngiti at mata lang ang communication namin. Hindi naman kasi magka room dati neighboors lang.

Francis: natatamad talaga ako sumama. Hay.. masarap pa sana mag stay dito sa bahay e. kaso… kaso… maganda din naman ang pumunta dun?! Meet new friends ule? Ahh. Teka nga. Naguguluhan na ako.

(phone message rings)

Arvin: uy ready kana? See you bukas ha!

(phone message rings)

Francis: wait, nagdadalawang isip pa ako!

(phone message rings)

Arvin: ha? Bakit?

(phone message rings)

Francis: may sakit ako.

(phone message rings)

Arvin: ano namang sakit mo?

(phone message rings)

Francis: Katamaran!

(phone message rings)

Arvin: hahaha!! Patawa ka!

(phone message rings)

Francis: ako pa ba? Hellow haha!! Sige na nga see you na lang sa terminal!

(phone message rings)

Arvin: sige! See you ha!

Hindi ko naman po talaga kilalang kilala si Arvin. Tingin ko nga Homophobic sya. May notion kasi ako na lahat ng engineering student ay galit sa bading kasi majority sa kanila ay lalaki habang sa amin naman ay bading at babae.

(Phone rings)


Francis: hello Roda asan kana?

Roda: andito na ako sa byahe. Sorry ambagal ko na kumilos. Hindi na ako 
natulog e. nanuod lang ako ng movies kaya puyat.

Francis: tapos diretso ka na dito? Ahahaha! Iba.

Roda: ahh.. hahaha.. ang ganda kasi ng kwento nung the croods…

Francis: oo na! alam ko naman yun e. lahat naman ng pinanuod mo maganda. 
Hahaha

Roda: pero  maganda talaga..

Francis: nako. Wala ng pero-pero. Sige ingat ka andito na ako sa terminal.


Classmate ko po si Roda at orgmate na din! Bitter po talaga yan nung una sa org namin kasi nung una hindi sya naka pasa sa audition kaya sa sumunod na taon at naging president ako saka ko sya pinapasok. Brasohan na nga po ang laban nya. Swerte nya kaibigan ko.


Francis: ow… andami ng tao dito?! Nako…

Arvin: uy francis!

Francis: hello arvin!

Arvin: kanina ka pa dito?

Francis: hindi kararating ko lang.

Arvin: ahh sige-sige dun muna ako sa orgmates ko ha.

Francis: sige-sige.

Francis: hmmmp… ang tagal naman ni Roda? Maisuot ko nga ang sun glasses 
ko. Tutal papasikat naman na ang araw. Tsaka para makapagmasid ako sa aking kapaligiran.

Francis: mukhang wala atang gwapo ngayon? Si arvin lang ata ang lalaki? Puro badin ah..

(kilig bed)

Francis: omg! Sya yung nakita ko dati sa meeting.. hala.. hahaha!!! Ay wait. 
Francis composure. Inhale, exhale baka masira ang poise mo.

Nakita ko nga po yung lalaking nakita ko dati sa unang meeting ng leadership training na ito. Hindi ko po alam ang pangalan nya o kahit yung org nya basta ang alam ko bet ko sya.


(na sa’yo na ang lahat bed)

Makisig po ang hitsura nya. Matangos ang ilong, mapungay ang mga mata, nakasalamin pa, mukhang matalino at desente. Nakakatuwa pa kasi para sa akin kahawig nya si drew arellano.


(cool bed)

(Phone rings)

Francis: hello Roda?

Roda: francis! Asan ka ba? Dito na ako sa terminal.

Francis: pasok ka na lang dali papasok na kami sa bus.

Roda: ahh sige-sige!

… … …

Francis: Roda! Tara dali para maganda yung pwesto natin sa bus!



Mahigit dalawang oras po yung byahe namin noon. Nakakapagod kaya may pa idlip-idlip pa ako ng onti. Narating naman naman ang destinasyon namin sa batanggas ng maayos kahit papano. Ang masaklap lang nauna pa kami sa organizers kaya matagal-tagal din kaming na tengga.

Siguro mga nasa tatlong oras na yung lumipas nung dumating ang organizers saka sa amin ibinigay ang rules and rooms.

Francis: marj!! I volunteer! Kahit saang room na lang gusto ko ng may pag lagyan! Please!

Marj: okay, sige wait lang ha!

Roda: ano ba yan francis! Kanina pa tayo nandito wala pa rin tayong room! 
Hay. Ampalpak naman nilang kumilos!

Francis: nako, marami pang palpak silang gagawin. Wag ka ng maiinis kasi 
umpisa palang yan Roda!
Roda: ilang minuto pa. uwing-uwi na ako.

Francis: wow Roda? Iilang oras palang uuwing-uwi na?

Roda: hindi nga kasi ako natulog!

Francis: kasalanan ko?

Marj: kuya! Kuya! Halina kayo! Dito ko na kayo sa room 8 iiwan.
Francis: hay. Salamat naman sa wakas marj at may room na kami!

Marj: sige po!

Francis: ayan Roda masaya kana?

Roda: pumasok na lang tayo!

… … …

Francis: hala! My god!

Nagulat po ako noon dahil ka room ko na si arvin. Medyo naiilang po ako noon pero dapat hindi ko maipahalat kasi baka mas mailang sya. Natatakot kasi ako sa mga engineering na homophobic.

Pagkapasok ko ng room agad akong sumilip sa binitana, napa o my god na lang ako dahil nakita ko naman si kuya na kahawig ni drew arellano. Bumilis ang pintig ng puso ko noon sa kagalakan kasi may pag-asa na maging close kami considering na magkapitbahay lang ang mga tinutuluyan namin.

Francis: pahiga nga muna sa kama natin!

Roda: ilan ba tayo dito?

Arvin: lima tayo, may dalawa pa akong kasama si rafael at Paolo.

Roda: ahh. Anong org nyo?

Arvin: college of engineering honors’ society.

Roda: ahh. Pang matalaino pala kayo!

Arvin: ahahaha!! Hindi naman!

Francis: oy kayong dalawa dun na daw sa hall. Mag sstart na daw tayo.

… … …

Julius: hello: dito na kayo mag ro-room?

Francis: ahh.. Oo!

Julius: haha!! Nice. Nice yan! Char!

Francis: hahaha!! Oo nice yan!

Julius: sige una na ako sa hall ha!

Francis: sige see you.




Grabe hindi ko po alam kung paano ko ilalarawan ang kalagayan ko noon. 
Parang bumilis ang tibok ng puso ko at bumagal naman ang pag-ikot ng mundo. Kakaiba ang pungay ng mga mata nya. Nakakapanabik. Parang may halong kasiyahan at pagpupugay ang nakita ko. Sabi nga nila ang mata daw ang bintana ng kaluluwa at ayun nakita ko nga kung anong uri ng mabait na tao sya.

Francis: hello po! Im francis! Hi there! Francis po! Oh? Hi kuya! Francis. And you are?

Julius: Julius.

Francis: ahh… Julius?

Juliuis: oo Julius!

Francis: ahh Julius?!

Juliuis: oo nga Julius!

Francis: ahh. Akala ko Julius!

Hindi ko po alam kung ano na ang itatanong ko kaya dinaan ko na lang sa pilosopo at kalokohan ang pagtatanong ko.

Francis: anong Org mo kuya?

Julius: School of debaters!

Francis: Ahhh. Okay. So anong course mo?

Julius: polsci

Francis: uhh. I see!

Julius: ikaw?

Francis: Young Communicators’ Guild!

Julius: ahh. Okay. Masscom.

Francis: anong year mo na?

Julius: incoming second year!

Francis: talaga? Hala ang tanda ko na. fourth year na ako.

Julius: hahaha!! Hindi bale.. hindi naman halata! Hahaha

Francis: haha! Ka jan! ahahahaha

Nakakatuwa po talaga kasi hindi ko inaasahan na magiging close kami. Madali lang pala sya pakisamahan. Konting effort lang at ayun, Rubbing elbows na.



Sa unang araw namin sa Leadership training ay naging maayos na ang takbo ng lahat. Nakilala ko ang karamihan at nakadaupang palad ang iba pang org at syempre mas nakilala ko si Julius.

Roda: ambilis ng oras! Yes martes na! ilang araw na lang!

Francis: Oo nga am bilis ng panahon. Hindi natin namamalayan tumatanda na tayo!

Roda: yes francis? May pagtanda na agad?

Francis: oo naman! Nararamdaman ko na!

Roda: basta ako teenager pa.

Francis: ako rin no!

Tulad nga po ng nasabi ko kanina graduating na ako. Kaya naman ganun na 
lang ang kasabikan ko na magkaroon ng experience sa love. Puro school at org po kasi ang inaatupag ko. Ngayon gusto ko sanang humabol! Parang ang sarap kasi na i-reminisce yung sweet college life mo kung my lovelife.

Marj: guys?! Punta na daw po kayong lahat dun sa activity area for a classroom discussion?

Francis: ano topic ba?

Marj: ahh, kasi dalawang topic. Isa industrialization tas yung isa sa LGBT.

Francis: sige ako na dun sa LGBT Roda!

Roda: sige-sige. Copy!

Hindi ko po inaasahan na makakasama ko dun si Julius. Doon ko po nakita na 
hindi naman sya galit sa bading o homophobic. Parang natutuwa pa nga sya e. ngunit may ipinagtaka lang ako ng may nalaman ako sa kanya. Kaya naman tinanong ko na diretso sa kanya.

Francis: Julius! Tama ba? Ayaw mong magkaroon ng anak?

Julius: Ha? Saan mo naman napulot yang kwento na yan?

Francis: ahh.. ehh.. sa iyo! E di ba naikwento mo?

Julius: wala ah? Wala naman akong naikwento!

Francis: sige never mind na sa source. Pero totoo? Bakit?

Julius: nakita ko na kasi sina mama at papa kung pano ma mroblema sa kulit 
ko. E kung magkaka anak pa ako, ano na pang kulit ang aabutin nun?

Francis: ay.. hahaha… sabagay. Haha

Julius: o diba?

Francis: e pano yun? Gusto mo pa rin mag asawa?

Julius: oo. Syempre.

Francis: ahh kaya kung pwede yung gusto mo yung baog?

Julius:  exactly. Walang bata na mabubuo!

Francis; hala?! Okay. Edi sige?!

first time ko makarinig ng ganung pangarap. Kakaiba. Sa dinami-dami ng nakilala ko first ko time lang maka encounter na ang hinahanap ay babaeng baog. E bakit di na lang bakla? O ako na lang mismo? Napaka ilusyunada ko po talaga no? kung ano-ano pumapasok sa isip ko.
Marj: magandang umaga! ngayong araw po, magkakaroon tayo ng team building activities. Bumilang po tayo ng one to four para mai grupo na po kayo.

Francis: Group 2 ako!

Julius: group 2 din ako!

Francis: hala talaga?

Julius: oo!

Marj: group 2 is color blue po ha!

Julius: copy!

Francis: anong gusto mong pangalan ng team natin?

Julius: ikaw na bahala!

Francis: hindi maganda may inputs kayong idea!

Julius: basta may ibang kiliti! Yung tipong catchy!

Pakiramdam ko noon ay nagpapa ngalan kami sa aming anak kasi kami talaga ang nag-uusap pero na naig pa din yung suggestion ng iba na blue at english the trabaho. Hindi ko na po sasabihin direkta kung ano kasi baka hindi nyo i-ere ang kwento ko.

Naging masaya ang team building namin. Kami pa ang nanalo. Hindi ko nga inaasahan na dahil sa pangalan ng group namin ay naging catchy sya at mag dala ng joke sa mga tao na kasali sa mga palaro doon.

Julius: ang galing ni Francis no?

Arvin: ha? Bakit?

Julius: tingnan mo kaya nyang pasunurin yung mga tao!

Arvin: kasi palabiro sya kaya nakukuha nya yung pulso ng nakakararami. At 
syempre leader sya!

Julius: yun nga e. astig!

… …

Roda: oy! Tara ligo na tayo! Huling gabi na natin ngayong gabi e. sulitin na 
natin!

Francis: tara! Dali!




Sa lahat po ng leadership training seminar na nattendan ko, ito lang po yung 
kaka iba. Alam nyo po, naliligo kami sa dagat ng nakaluhod. Kasi masyadong 
malapit yung limit na binigay ng mga life guards. Nakakatuwa nga po na kahit 
ganun ay nagagawa pa rin naming mag enjoy.

Julius: ang ganda ni Din no?

Arvin: oo nga e. panalo sya!

Julius: noong una ko nga syang makita e sabi ko eto na to! Haha

Arvin: hahaha!! Maski ako nga rin ganun e. haha




Rinig ko po ang usapan nilang yun. Rinig na rinig ko yun. Medyo masakit pero 
tolerable naman kasi alam ko naman na wala namang namamagitan sa amin.

Francis: julius! May waley ako na joke para sa iyo!

Julius: sige-sige! Ano yan?

Francis: alam mo pano tinayo yung La salle?

Julius: paano tinayo? Ahh.. ehh. Di ko alam e.

Francis: edi benilde

Julius: ahahaha!!!

Francis: isa pa! isa pa!

Julius: sige-sige!

Francis: pano mo magiging friend ang atenista?

Julius: ahh…. Medyo mahirap ahh!

Francis: hindi kaya mo yan!

Jukius: sige na ikaw na! ang hirap!

Francis: edi Admu! Ahahaha!!!

Julius: ahahaha!! nakakatawa ka talaga!

Francis: ahaha ganun talaga e.

Julius: dito ka na nga lang! tabi ka kwentohan mo pa ako! Mukhang marami ka 
pang baon!

Francis: ahahaa! Wala na e. hahaha!! Bukas na lang ulit!

Iyon na ang araw ng pinakamatinding hamon sa amin ang pagtira at mamuhay bilang isang magsasaka o mangingisda. Syempre lahat kami game sa hamon pero nagulat na lang kami sa aming inabutan. Ayon sa ilang bulong-bulungan ang aming tutuluyan daw ay kuta ng mga NPA at may kasalukuyang kasong hinaharap. labis naming ikinabahala ang sitwasyon doon kaya naman may ilang hindi na tumuloy at may ilan pa ding tumuloy.

Julius: Francis! Francis! Ano uuwi ka na talaga?
Francis: Julius ayokong isugal ang kaligtasan ko. E pano kung magkaroon ng tensyon? Ayokong mamatay!

Julius: Francis. Makinig ka muna. Susubukan natin pumunta. Nakaka-awa naman yung mga mag-sasaka na naghanda ng munting salo-salo para sa atin.

Francis: mag-aambag ako ng pera para may maibalik sa kanilang nagastos.

Julius: hindi francis. Wag mo akong iwanan. Sumama ka na.

hindi ko po alam kung ano ang susundin ko sa mga oras na iyon. Iniisip ng utak ko ang kaligtasan ko habang puso ko naman ay nagsasabing dapat akong tumuloy hindi lang dahil sa kailangan ko kundi para damayan si Julius sa kung ano mang maaaring mangyari doon.

Julius: francis, ang galing mo talaga! Grabe yung impluwensya mo sa mga kasama natin! Napauwe mo yung kalahati! Haha

Francis: kahit sino naman handang gawin ang lahat para sa kanyang kaligtasan di ba?

Julius: ang galing mo talaga astig!

Huling araw na namin yun kaya naman nilubos ko na ang pagpapasaya sa kanya. Nilabas ko po lahat ng jokes na alam ko. Walang na sa aking kung waley o havey mahalaga nakakausap at kasama ko sya.

Marj: Guys! Ready na yung lunch! Punta na kayo dito para kumain! Salamat!

Roda: tara arvin kain na tayo!

Arvin: tara! Ikaw francis?

Francis: sige susunod na ako. Ayusin ko lang ang gamit ko.

… … …

Julius: Roda! Arvin asan si francis?

Roda:  nasa kwarto pa!

Arvin: susunod na lang daw sya!

Roda: anong ulam?

Arvin: hindi ko nga lam e.

Roda: sana masarap ahaha!

Arvin: Teka mukhang mabango yung naamoy ko?!

Roda: oo nga ang bango?

Julius: Ma mimiss ko si francis!

… … …

Arvin: ano? Uy! Iba na yan! Hahaha

Francis: uy! Arvin! Anong iba na yan?

Roda: si Julius kasi out of nowhere biglang nagsabi na ma miss ka daw nya!

Francis: for real? Hahaha!!

Arvin: oo! Nagulat nga kami e. hahaha

Francis: ay polsci, baka gusto ng pang law? Haha

Julius: uy tama na!

Francis: bakit parang naiilang ka Julius?

Julius: ha? Hindi no!

Francis: hahaha!! Communication major ako. Syempre alam ko yang kinikilos 
mo!

Julius: hala? Hindi, hindi!

Roda: Francis magkaka lovelife ka na!

Arvin: okay lang ba sa iyo si Julius?

Francis: ahh… ehh.. aba syempre!

nagulat po ako noon sa nalaman ko kay julius. Sa totoo lang po kinikilig ako noon kaso hindi ko lang pinapahalata. Iba po yung kilos nya noon hanggang sa pag-uwi namin.


Marj: Mula sa linya ng mga organizers, maraming pong salamat sa inyong pag 
punta sa taunang Leadership Training and seminar. Ingat kayo sa byahe!

Francis: bye marj!


Arvin: bye! Yes uwian na!

Roda: haha! I’m going back to manila! Yahoo

Francis: ay low bat na ako. Wala tayong source of entertainment.

Roda: kanta ka nalang!

Francis:Sige kakanta na lang ako. Hahaha. Pagtiisan nyo yung boses ko!

Francis: (Sing!) what can I do to make you love me? What can I do to make 
you care! What can I say to make you fell this! What can I do to get you 
there.

Francis:Teka nga hindi ko na alam yung lyrics! Ahahaha eto na lang

Arvin: sige Francis Push mo yan!

(Sing!) I’m afraid to fly, and I don’t know why, I’m Jealous of the people who 
are not afraid to die.

It’s just that I recall, back when I was small, someone promise me that they’d 
catch me, but then they let me fall.

And now im falling, falling fast again why do I always take a fall when I fall in 
love.

Julius: Love naman kita francis e!

Francis: Julius ayoko ng ganyang biro! Patola ako! Haha

Julius: kelan ba ako hindi nagseryoso?

Francis: uy totoo ba? Hala! Hahaha interesado ako! Hahaha

Roda: uyy! Francis! Lovelife na yan! Hahaha

Francis: uy teka!

(Don’t say you love me bed)



Hindi ko po alam kung ano ang mararamdaman ko noon. First time po may nag tapat sa akin na lalaki. Umaapaw na kaligayan at kilig ang nararamdaman ko noon! Sabi ko nga sa sarili ko baka eto na yun e! Pero natatakot ako na baka biro lang ang lahat.

(Jeepney love story bed)

Francis: hoy anong plate number ng jeep na to? Haha kinikig ako.

Arvin: hahaha!! Namumula kana francis!

Francis: tigilan mo ako arvin!

Roda: ayie! Love life na yan!

Francis: hoy! Wag nyo na kaming asarin!

Julius: Roda! Palit naman tayo ng pwesto!

Roda: sige! Palit tayo para tabi kayo ni Francis!



Nagulat po ako noon na bigalang tumabi sa akin si Julius. Hindi po ako makatingin sa kanya. Napapansin ko pa naman na gusto nyang makipagtitigan sa akin!


(ang aking awit bed)

Francis: oy kain muna tayo sa tapos tambay tayo doon sa seaside!

Arvin: sige-sige!

Julius: sama ako ha!

Roda: e pano yung mga friends slash orgmates mo?

Julius: iiwanan ko muna sila. Basta sama ako sa inyo.




Naguguluhan po ako noon kung biruan po ito o totoo na. pero kung biro to bakit naman pahahabain mula sa byahe hanggang dito. Tapos iniwan nya pa yung friends nya.
Mula pa nang magtapat sya iba na yung pagtingiin sa akin. Hindi ko alam kung ang tingin nya ang iba o ang pagtanggap ko sa tingin nya. Sa tingin ko nga mahal ko na po sya. At pagpinagpatuloy nya pa ang pagsuyo sa akin, sasagutin ko talaga sya.

Hindi ko po alam pero biglang nagsasanga-sanga na sa isip ko ang mga maaring mangyari. Magde-date kami, maghaharutan, magkukulitan. Pangako ko na lagi ko syang pasasayahin. Hindi ako magsasawa na paligayahin sya at sana ganun din sya sa akin.

Sabi ko nga po, swak na swak sya sa tipo kong lalaki. Matalino, desente, cute at intelekwal mag-isip, yung tipo na naiintindihan ang aming magiging relasyon dahil syempre aminin na natin hindi pa rin naman ganon ka tanggap sa lipunan natin ang relasyon ng mga magkaparehong kasarian.

(Phone rings)

Roda: hello Francis!

Francis: hello! Uy naguguluhan talaga ako! Ano ba yun si Julius! Totoo ba yun 
o hindi?

Roda: alam mo gurl, nung una tingin ko joke time lang pero nung bandang huli parang totoo na!

Francis: oo nga e!

Roda: tingnan mo, nung kumakain out of the blue bigla nyang sinabi na mami-miss ka nya. Pauwe tayo sigaw sya ng sigaw sa kung sino mang may gustong kumuha ng number nya. Kinuha mo ba?

Francis: hindi nga e! nakakaasar!

Roda: ay nako bakit? Tapos tingnan mo pa sabi nya sa byahe mahal ka nya. Iniwan nya yung friends nya at sumama sa atin kanina. Tapos may awkward na something sa kilos nya e!

Francis: nakaka asar sya! Pinahihirapan nya ako!

Roda: Grab it Francis! Lovelife na yan! Matagal mo din yang hinahanap.

Francis: sobra naman akong willing para dito e! sana lang talaga I push nya!

Roda: wag ka na rin mag-assume! Sabi nga sa rule sa accountancy, never 
assume unless stated.

Francis: I know. I know! Hindi ko lang talaga alam kung paano to I-
mamanage. First time ko kaya to!

Roda: just go with the flow! Kaya mo yan.

Francis: sige-sige salamat.

… … …

(Phone rings)

Arvin: hello francis?

Francis: Hello Arvin! Ano na ba yung kay julius? Tingin mo totoo yun?

Arvin: actually hindi ko rin alam. Madyo magulo sya e.

Francis: hala ang gulo nyo talagang mga lalaki!

Arvin: kasi Francis, maloko ang ibang mga lalaki. Wag mo na lang seryosohin. 
Hayaan mo syang kumilos. Kung mahal ka nun hindi ka nya hahayang mawala.
Francis: sure ka dyan?

Arvin: oo naman! Syempre!

Francis: ayoko din syang mawala.

… … …

(Fallin bed)

hindi ko na alam. Sabi nila hindi daw hinahanap ang pag-ibig dahil kusa itong dumadating. Ngayon naman hindi ko alam kung ito na yun o hindi pa. parang pathetic naman ako kung maghahabol ako. Pero malulungkot naman ako pag nawala sya sa akin.

… …

Francis: alam ko sa fb ko na lang sya hahanapin. Julius marko.
Ayan, friends na kami. I memessage ko na nga lang sya para malinawan ako.

Francis: hi Julius! Pasensya na pero I’ll go straight to the point . do you really mean those words? Or Joke time lang? sorry naguguluhan lang ako. Ayokong mapahiya e. Ayokong mag assume. Pero nethertheless I enjoyed your company! Pa clarify na lang ha! Hahahaha jokes are half meant! J

Julius: Ui sorry talaga. Joke lang yun no! Nakikitrip lang din ako! Ahahahaha. Sorry talaga. Nasisiyahan lang akong kasama ka. Baka FO na tayo nyan ha? Pero cute talaga ang LGBT o GBBT man yan. Hahahahahaha Alam mo naman na advocate din ako ng gender equality.

Francis: haha. Loko ka. Ang galing mo din magpasakay ha. Anyway I enjoyed the game. Haha. Next time i-inform mo ako pag nagjo-joke ka. Tsaka ang joke may punchline. Wag mo din pahabain ang mga ganyang drama. Nako-nako umasa pa naman ako.Pasensya din if I jump into hypotheses. Medyo patola ako.

Julius: Uy sorry talaga ah. Friends pa din tayo? Nahihiya kasi ako! L-O-L!

Francis: Grabe. Nasaktan talaga kasi ako. Swear. First time yun kaya masakit.

Julius: sorry talaga francis.

Francis: don’t worry. Im mending. Salamat!!

Julius: Salamat din. Nag-enjoy pa naman akong kasama ka tapos 
nagkatampuhan tayo.

Francis: Sige wala na din naman tong patutunguhan. Okay na yan! Sige sanay naman ako na sinasaktan.

Julius: Oo pwede naman tayong maging magkaibigan na lang. hindi naman ako homophobic. Gusto ko nga ng mga kaibigan na tulad nyo. Uy sorry talaga. Sorry talaga.

Francis: wala na yun sa akin. Ahahaha. Maliit na bagay. Be nice na lang!

Julius: oo naman.

(Don’t say you love me bed)

Pakiramdam ko noon na pinagsakluban ako ng langit at lupa. Akala ko ayun na pero hindi pa pala. Akala ko sya na ang magpapaligaya sa akin pero mali pala. Masakit po palang umasa. Masakit po palang ma reject. Siguro hindi man kami nagkatuluyan e may magandang bukas pa rin na nilaan si lord para sa amin. Sa ngayon ifofocus ko na lang muna ang sarili ko sa school dahil huling taon ko na sa college at ganun din sa org ko. Siguro dapat mamuhay muna kami ng normal gaya ng dati. Nineteen years akong nabuhay na single at kaya ko pa siguro ng isa pang nineteen years.

Para naman po sa mga tulad ni Julius, please wag nyo namang gawing joke ang salitang Love. Sinasabi lang yun sa taong mahal mo at hindi sa kung sino-sino. Hindi nakakatuwang magpa-asa sa ibang tao. Sa mga tulad ko naman wag agad tayo maniwala sa salita ng iba. Action speaks louder than words. Ang love ay hindi lang basta word it is verb meaning it is an action 
word.