Wednesday, January 29, 2014

Demolition for progressive evolution








The press conference of Alyansa Kontra Demolisyon in  Brgy. 
San Roque Quezon City. More than 1000 policemen is present to secure the area.

Wednesday, January 22, 2014

Basura ‘to!




            Kaaya-ayang presensya, mapang-akit na hitsura, simoy na nakasisigla na magdadala sa iyo sa ikapitong langit na tiyak hahanap-hanapin mo talaga…ito ang mga katangiang sa sistema ng pangongolekta ng basura na sa Pilipinas ay hindi mo makikita.



      Sa tuwing darating ang mga truck ng basura sa aming komunidad hindi talaga maitatanggi ang grabeng dumi, umaalingasaw na amoy na nagmamarka sa bawat lugar na hihintuan nila. Nandiyan pa ang tila “marinade” na malagkit at masarsang katas ng basura.


            Sa pagpasok ng taong 2014, ipinasa ng Lungsod Quezon ang ordinansan ng paglalagay ng bayad sa koleksyon ng basura. Ayon sa ulat ng DZMM Radyo Patrol 630 sa programa ni Ted Failon na Failon Ngayon “500 daang piso kada taon ang ipapataw sa bawat tahanang may sukat na 1000 square meter” o halos dalawang piso kada araw. Kung ating iisipin mura na ang bayad na ito, ngunit sa buong Metro Manila, ang Lungsod Quezon lang naman ang may pinaki malaking budget para sa kolesyon ng basura na umaabot sa humihigit kumulang 1.1 bilyong piso o 3 milyong piso kada araw. (Failon, 2014) Pang “city of the stars” talaga ang presyo diba?


            Sa mga darating naman na araw, ipapatong na sa amelyar o buwis sa palupa ang karagdagang bayarin.

            Kaya naman ang ekpresyon ng iilan sa basura na “Eeww” ay naging “WOW” hindi lang pala pera ang nasa basura kung hindi, limpak-limpak na pera ang nasa basura. Ngunit ang tanong naman ng mga mamamayan ng Lungsod Quezon tulad ko, “hindi pa ba sapat ang 1.1 bilyong piso at kailangan pa ng karagdagang bayad?”



            kung ating ikukumpara ang mga truck ng basura sa Pilipinas at Amerika ay napakalayo talaga ng distansya. Hindi ko nga lubos maisip kung paano nila inuubos sa koleksyon ng basura ang 3 milyon araw-araw!

            Sa laki ng pera sa pangongolekta ng basura bakit naman pati mismo ang kumokolekta ay nagmistuan na ring basura? Mukhang mga nabubulok pa na basura ang mga truck na wala ring teknolohiya na nagpapadali sa sistema ng pangongolekta gaya sa ibang bansa. Isa pa, hindi rin ata naabot ng 3 milyong piso na budget ang tamang kagamitan ng mga taong nangongolekta gaya ng “gloves” at bota kaya tuloy naging mas mapanganib pa sa kanilang trabaho.


            Sa umpisa palang ng taon ay marami ng pagtaas at karagdang bayarin ang sumalubong sa bawat pobreng Juan, kaya ang aming panawagan sa mga nakaupo ay sana naman maging patas po ang lahat. Sana lumitaw ang katotohanan sa mga aamomalya niyong ordinansa, batas at kung ano-anong kautusan. Sana ang pera ng bayan ay napupunta sa bayan at sana lang landas na tinatahak natin ay tungo sa kinabukasang pinapangarap at hindi sa bangungut na masaklap.


            





Source/Reference:

http://fcecocamp.wordpress.com/2011/12/15/witness-to-waste/
January 22, 2014

http://ecowastecoalition.blogspot.com/2012_01_01_archive.html
January 22, 2014

http://www.rappler.com/nation/47678-more-garbage-black-nazarene?utm_source=feedburner&utm_medium=feed&utm_campaign=Feed%3A+rappler+(Rappler)
January 22, 2014

DZMM Radio Patrol 630
Failon Ngayon, 2014

Tuesday, January 7, 2014

TYA CANDIA: FENG SHUI MASTER




This is my first ever video blog. Hope you enjoy it. Have fun!


Ngayong 2014 sila naman ang bibida... HAPPY NEW YEAR!

note: BACKGROUND lang po ang CELEBRITYCHECK :)