Saturday, May 31, 2014

Parehong Pag-ibig




Kung ano man ang lagay ng ating buhay ngayon ay dala lamang ng ating mga desisyon kahapon. Ako si Romeo, labingwalong taon gulang. Sa simula’t sapul ng buhay ko, hindi naging malinaw sa akin ang tunay kong gusto. Marahil dulot na rin ng lugar at taong kinalakihan ko kaya ako naging ganito. Hindi ko alam kung ano ang gusto ko, kung babae o lalaki.

Romeo: Joseph anong oras ba next class natin?
Joseph: 3pm pa ata?!
Romeo: ahh ganun ba.
Joseph: bakit? A-absent ka ba?
Romeo: ako a-absent? Hindi no.
Joseph: sorry naman pare.
Romeo: nag-lunch  ka na ba?
Joseph: oo katatapos ko lang.
Romeo: halika kain ka uli libre kita!
Joseph: hahaha! Alam mo talaga pano ako mapa-oo ha! Hahahaha
Romeo: ahahaha! Syempre!
Joseph: tara na nga kain na lang tayo!

Bestfriend ko po si Joseph sa college, nakilala ko sya noong enrollment namin nung first year kasi pareho kami ng kinuhang kurso. Nagkapalagayan kami agad ng loob dahil sobra syang pala kaibigan tapos ako naman yung tipong manika na de-pindot. Kung hindi mo kakausapin, hindi ako magsasalita.

(Habang nagla-lunch)
Joseph: pare parang gusto kong ligawan si michelle.
Romeo: bakit naman pare?
Joseph: pare panalo ka sa kanya. Mabait na maganda pa!
Romeo: gaano mo na ba sya kakilala?
Joseph: kasi di ba last time magka grupo kami dun sa last project natin? Napadalas yung pag-uusap namin e, tas ayun tingin ko nga M.U. kami e.
Romeo: anong M.U.? may mutual understanding na kayo?
Joseph: hindi! Medyo Un! Ahahaha!
Romeo: nako joseph i-value mo naman yung Love. Kasi baka dahil sa ilang usapan nyo lang kaya naging interesado ka sa kanya.
Joseph: nako naman pare oh! Teka kamusta naman kayo ni stef?
Romeo: mukhang kailangan muna namin ng espasyo e.
Joseph: oh? Hayaan mo yan pare marami naman dyang iba.
(school bell rings)
Romeo: joseph Dalian mo na dyan baka ma-late pa tayo sa klase!
Simula nung freshman pa kami hanggang ngayong nasa junior year na kami sa college si joseph ang nagsilbing hingahan ko sa problema ko. Minsan pa nga nawawala sa isip ko na bestfriend ko sya kasi minsan na iisip ko na baka crush ko na sya. Hindi nya po alam na hindi ako sure sa gender orientation ko. Ang alam nya lalaking-lalaki ako.

Michelle: Romeo nakita mo ba si Joseph?
Romeo: hindi ko sya nakita e.
Michelle: kanina ko pa kasi sya hinahanap.
Romeo: ano bang kailangan mo sa kanya?
Michelle: ahh kasi … bestfriend ka naman nya diba?
Romeo: oo! Bakit?
Michelle: ahh… kasi magboyfriend na kami!
Romeo: oh? Ahh… ehh.. congrats sa inyo!
Michelle: nako salamat ahh..
Romeo: e kelan ka ba nya niligawan?
Michelle: hindi ganito lang yun, nalaman ko kasi gusto nya ako. E gusto ko naman sya kaya hindi na ako nag paligaw pa. ahihihi.
Romeo: ahh ganun ba? iba ka rin ha! Ahahaha
Michelle: naniniwala kasi ako na ang relasyon ang pinatatagal hindi ang ligawan. Saying naman kung five months nya ako liligawan tapos isang buwan lang kami tatagal.
Romeo: sabagay, ahaha. Pero diba ang pag-ibig parang alak, pinaghihirapang gawin at habang tumatagal lalong sumarap. Ika nga pag ganun it’s worth the wait?
Michelle: nako, nakakatuwa ka palang bestfriend nya.
Romeo: ahh.. salamat.
Michelle: sige mauuna na ako ha.
Romeo: sige-sige, ay michelle pakisabi na lang kay joseph pupunta ako sa dorm nya mamaya!
Michelle: ahh sige. Copy! Ay teka wag mo nga pala muna ipagkalat na kami na ha. Baka kasi alam mo na mapag-usapan pa. ahahaha! Sige salamat una na ako.

Hindi ko alam kung matutuwa ako sa nalaman ko kay michelle. Parang may nag-iba talaga sa presensya ko noong mga panahon na iyon hindi ko nga malaman e, hindi ko pa maipaliwanag.

(phone rings)
Stef: hello Romeo?!
Romeo: oh stef? Bakit ka na patawag?
Stef: babe, ayoko na ng ganito. Please mag ayus na tayo!
Romeo: babe, ontiing space lang.
Stef: romeo may iba ka na ba?
Romeo: stef, you know that Ive been very loyal to you, all I need right now is space. Gusto ko lang magpag-isa.
Stef: okay. Im so sorry babe. Romeo tandaan mo mahal na mahal kita.
Romeo: I love you stef. I just need some air to breathe.
Stef: sorry babe talaga. I know it’s my fault. Kasalanan ko ‘to e. masyado akong naging agresibo at nakalimutan ko maging sensitive.
Romeo: no stef, its me. Hindi ko lang talaga kaya gawin iyon, Bata pa tayo. Alam mo stef na inaasahan ako ng mga magulang ko na magtatapos muna ako bago ako magka asawa at makabuntis. Sorry talaga at hindi ko muna maibibigay sa’yo ang gusto mo.
Stef: babe, still thank you kasi ramdam ko ang respeto mo sa pagkababae ko. I love you!

Sinimulan ko ang relasyon ko dati kay Stef para masabi ko sa sarili ko na lalaki ako.  Pero hindi ko alam, sa tuwing aayain nya ako na gawin naming ang ekspresyon ng pag-ibig ay tumatanggi ako. Halik at yakap lang ang naibibigay ko sa kanya kasi para sa akin sapat na iyon para maiparamdam ko ang  pag-ibig ko sa kanya.

Matapos ang mahaba naming pag-uusap ni Stef, ay pumunta na ako sa dorm nila Joseph kaso sabi ng kahera nya umalis daw kasama yung girlfriend nya. Hindi ko alam kung anong hangin ang umihip sa akin na nagdala  sa akin sa cubao. Hindi ko alam, pero matagal na itong dumadapo sa isip ko. Gusto kong malaman kung ano ang tunay na ako. Kaya sinubukan kong kumuha ng isang lalaki at babae para makalaro ng apoy. Sabi nila sa ganoong paraan malalaman ko kung saaan ako kumportable at saan ako mas interesado.



Na confirm ko sa ginawa ko kung ano talaga ako. Oo tama nga, sa tulad ni Joseph ako mas komportable. Siguro kasi mahal ko na rin si joseph kaya nasabi ko na bading nga ako. Natatakot lang ako kapag nalaman to ni Stef. Ayoko na isipin nyang dahil kay joseph kayo ako humingi ng space sa kanya.

Joseph: Romeo!
Romeo: oh joseph.
Joseph: oh bakit parang nakakita ka ng multo?
Romeo: ha? Ehh… ahh.. hindi may ano lang kasi ahhh.. ano..
Joseph: ha? Anong ano? Anlabo mo!
Romeo: ahh… ehh.. kumain ka na ba?
Joseph: katatapos lang naming mag-lunch ni michelle e.
Romeo: okay lang yun ‘lika samahan mo na lang mag shake tayo.
Joseph: sige –sige pampawi ng init na rin.
… …
Joseph: romeo ahh nga pala asan ka pumunta nung nakaraang gabi? Hating gabi ka na daw umuwi e.
Romeo: naglakwatsa lang ako nun. Kakatapos ko lang kasi magreview ng calculus e nanawa ako kaya nagliwaliw muna ako.
Joseph: ahh.. sayang sana nag-aya ka.
Romeo: self-date lang naman yun e.
Joseph: ahh. Hahaha. Gusto mo palang mag-solo.
Romeo: hayaan mo next time sasama kita!
Joseph: ahaha. Sige maganda yan! Tapos libro mo ka! hahaha!

Dahil hindi pa ako handang mag tapat, minabuti ko na lang na iparamdam sa kanya ang nararamdaman ko.
Joseph: Romeo!
Romeo: oh napa aga ata ang dating mo?
Joseph: ahh, oo nga medyo mabilis yung byahe ko e.
Romeo: tara pasok ka.
Joseph: salamat.
Sadya ko pong itinaon na wala ang parents ko noong pinapunta ko sya sa bahay hindi dahil may balak akong masama sa kanya kundi para mas maging intimate pa yung moment. Ang alam nga nya ay birthday ni mama pero ang totoo gusto ko lang ng somewhat date.
Joseph: asan nga pala yung mama mo diba Birthday nya?
Romeo: ahh… ehh… umalis sila ni papa! Oo umalis sila.
Joseph: ahh nag date pala.
Romeo: oo ganun na nga! Ahh… sige halika na kumain ka muna baka nagugutom kana!
Alam ko na napansin nya na iba ang pag-assist ko sa kanya. Siguro trinato ko kasi syang hari ko noong gabing iyon.
Joseph: Romeo, salamat ha!
Romeo: sus, maliit na bagay!
Joseph: hahahaha! Hala alas dyis na pala.
Romeo: bakit hindi ka ba naka pag paalam sa kahera mo na gagabihin ka?
Joseph: oo hindi e. sasaglit lang sana ako kaso napasarap ata ang upo ko.
Romeo: sige ganito na lang dito ka na lang matulog tas tawagan na lang natin yung kahera mo baka mag-alala.
Joseph: sige ganun na nga lang pahiram na lang ako ng damit ha!
Romeo: sure-sure!
Hindi ko po inaasahan na ganun ang mangyayari, kaya umakto na lang ako ng normal kahit sa totoo lang super saya ng nararamdaman ko. Sa totoo lang po, nakaramdam ako ng init ng laman. Oo malaswa nga po pakinggan kaso totoo. Subalit kahit labis-labis ang nararamdaman kong tawag ng laman sa aking kaibigan ay minabuti ko pa rin ang integridad sa aking sarili.
Magkatabi kami na natulog kaya naman nag enjoy na lang ako na pagmasdan sya habang natutulog sya. Tila lahat ng nasa kanya ay perfect sa paningin ko noon. Matangos po ang ilong nya at napaka kissable ng malalambot nyang labi. Para syang anghel.
Michelle: Joseph! Alam mo may napapansin akong kakaiba jan sa bestfriend mo!
Joseph: ha? Ano namang kakaiba sa kanya
Michelle: actually hindi ko specifically alam pero I can feel something is fishy!
Joseph: ewan ko sayo.
Michelle: teka, diba hon monstharry natin ngayon?
Joseph: oo alam ko.
Michelle: alam mo pala bakit hindi mo ako binati! Tapos wala ka pang regalo!
Joseph: michelle, I don’t love you anymore. Sorry.
Michelle: bakit? May iba ka na ba?
Joseph: hindi. Wala.
Michelle: bakit ano bang pagkukulang ko?
Joseph: hindi na kita mahal!
Michelle: (slaps) sige break na tayo!

Romeo: Joseph narinig ko na wala na daw kayo ni Michelle?
Joseph: ambilis. Kumalat agad.
Romeo: okay ka lang ba?
Joseph: tara lakwatsya na nga lang tayo.

Nalungkot ako ng onti noon pero masaya dahil single na ule si crush slash bestfriend Joseph.Medyo naiilang din ako noon kaya naman ginawa ko ang lahat para maitago pa ang narararamdaman ko hanggang sa tinotoo ko nga yung biro ko kay joseph na isasama ko sya sa susunod na paglalakwatsa ko.

Joseph: nakakatuwa pala dito ngayon ko lang nalaman.
Romeo: hindi ka naman kasi marunong mag-explore.
Joseph: minsan kasi nakakatakot e.
Romeo: alam mo, hindi mo malalaman hangga’t hindi mo nasusubukan. Wag kang magkulong sa box mo try different things.
Joseph: wow! Anlakas mo aka inspirational speaker!
Romeo: hmmp. Hahaha.
Joseph: Inspired ka ba ngayon?
Romeo: ahh.. ehh.. ahahahaha! Hindi naman. Mukha ba?
Joseph: iba yung dating mo kasi ngayon.
Romeo: joseph.
Joseph: bakit?
Romeo: may gusto sana akong sabihin e.
Joseph: ano naman yun?
Romeo: magpapakatotoo na ako. Ngayon ko lang naramdaman to. I think im in love with you.
Joseph: Romeo, alam ko dati kung ano ka talaga.
Romeo: ha? Paano mo naman nalaman?
Joseph: ahh, natatandaan mo nung pumunta ka sa dorm ko tapos wala ako? Di ba pinasabi mo kay michelle na pupunta ka? Pina sabi ko sa kahera ko na pupunta kaya pinasabi ko na lang na wala ako at kasama ko ang girlfriend ko.
Romeo: oo natatandaan ko na.
Joseph: kasama ko noon si Stef.
Romeo: Girlfriend mo si Stef?
Joseph: hindi. Pero nakipagkita sya sa akin. Nabasa nya ang journal mo. Doon nya nalaman na confused ka kaya ka nakipaghiwalay sa kanya.
Romeo: sorry joseph. Sorry Kung tinago ko sa iyo ito.
Joseph: romeo, hindi mo kailangan humingi ng tawad. Wala ka namang kasalanan. Hindi naman nagbago ang tingin ko sa iyo.
Romeo: pero mahal kita. sinubukan kong pigilan pero hindi ko alam. Hindi ko kaya. Joseph I really like you.
Joseph: Pero romeo alam mong mali to.
Romeo: kelan pa naging mali ang magmahal?
Joseph: hindi, hindi,
Romeo: Joseph love knows no bounderies. Walang kinikilalang kalagayan o kasarian ang pag-ibig.
Joseph: Romeo,
Romeo: Joseph noong una pa naramdaman ko na to, simula pa noong una tayong nagkita. Alam ko na kasalanan ito sa tingin ng iba pero joseph. joseph gusto kong malaman kaya ko sinubukan!
Joseph: romeo kaibigan kita. At gusto ko manatili lang tayong ganito.
Romeo: joseph!
Joseph: romeo. Magkita tayo bukas ite-text kita kung anong oras at saan.


Hindi ko po alam kung ano ang gagawin ko noon pagakatapos kong magtapat sa kanya. First time ko po yun na magtapat at sa lalaki pa. sa mga puntong iyon wala na akong paki sa sasabihin ng iba, ang mahalaga mailabas ko ang mga nasa loob ko. Pakiramdam ko, binuhusan ako ng mainit na tubig pagkatapos buhusan ng malamig na tubig.
(Phone rings)
Romeo: hello joseph? Andito na ako. Asan kana?
Joseph: saglit lang malapit na ako. Ibaba mo na muna yung phone naglalakad na ako.
Romeo: sige-sige bye. … … … Joseph? Joseph Bakit mo tinatakpan ang mata ko?
Joseph: Basta. Halika na lang dito.
Romeol sige dahan-dahan lang ha. Baka matumba ako.
Joseph: sa bilang kong tatlo tatangggalin ko ang mga kamay ko sa mata mo.
Romeo: okay!
Joseph: sige sa magbibilang na ako. Isa… dalawa… tatlo!
Romeo: anong pakulo naman to?
Joseph: sige na basahin mo.
Romeo: Can I be your lover?
Joseph: (sing!) I want to make you smile, whenever you sad carry you around when your artritis is bad, all I want to do is grow old with you. I’ll get your medicine when your tummy aches, built you a fireif the Furnish breaks so I could be the man grow old with you, I miss you, kiss you give you my cout when you are cold, need you, feed you and even let you hold the remote control, so let me do the dishes  in our kitchen sink, put you to bed you had too much to drink, I could be the man, grows old with you. I wanna grow old with you!

Romeo: totoo ba ito?
Joseph: oo Romeo totoo ‘to!
Romeo: Joseph!
Joseph: Romeo, can I be your Juliet!
Romeo: yes! Oo mahal kita! Mahal na mahal kita!
Joseph: mahal na mahal din kita! Mamahalin kita ng higit pa sa mga babaeng minahal ko!
Romeo: Joseph! (kiss kiss kiss) I love you!

Hindi ko po inaasahan na ganun ang gagawin ni Joseph. Pagkatapos nga nyang tanggalin ang mga kamay sa mga mata ko ay tila biglang bumilis ang oras na hindi ko na namalayan ang mga sumunod na kaganapan.
Romeo: Joseph, I love you!
Joseph: I love you too.
Romeo: joseph, handa ka ba sa magiging resulta nito?
Joseph: oo, hinanda ko na ang sarili ko para dito.
Romeo: pano ang mga magulang mo? Si Michelle?
Joseph: wala na akong paki alam sa sasabihin ng iba! Siguro oras na para tayo naman ang maging masaya.
Romeo: oras na para ipikit ang mga mata, isara ang mga tenga at bukasan ang puso.
Joseph: Romeo, I love you.

Ngayon po ay maglilimang taon na kami ni joseph. Mahirap po ang naging takbo ng aming relasyon dahil sa diskriminasyon pero salamat pa din kasi iyon siguro ang nagpapatibay sa amin. Hindi naman ako natatakot na magkaroon ng sakit kasi alam ko naman na loyal kami sa isa’t-isa. Kung masama po man ang tingin at irap sa amin ng ibang tao, wala na po kaming paki alam ang mahalaga masaya kami sa aming pagmamahalan at wala kaming ibang tinatapakan.

Naniniwala po ako na ang pag-ibig ay para sa lahat. Babae, lalaki, bakla o tomboy ay may karapatang magmahal at mahalin. Ginawa po tayo ng dahil sa pagmamahal at kahit kung ano man tayo ay bunga tayo ng pag-ibig. Marami pong salamat at sana ay naging inspirasyon po ang aking kwento sa inyong lahat.